ANG ALAMAT NG KAMPANANG GINTO

Ang simbahan raw ng Cabuyao noon ay may pag-aari ng kampanang yari sa ginto. Dahil sa lakas ng tunog nito, sa halip na maging panghalina sa tao ay kabaliktaran ang nangyayari. Ang kampanang ito ay naging sagisag ng pagtutol ng mga tao sa paghahari ng kastila sa ating bayan. Sa sobrang lakas ng tunog nito umabot hanggang San Pedro sa may hilaga at bae sa timog. Ayon sakwento noong araw nakikita pa ang kampana mula sa kinalalagyan nito lalo na kung tag-init o kabilugan ng buwan. Maraming kalalakihang na ang nagtangkang iahon ito muli subalit sila ay nasawi lahat. Ayon sa mga matatanda, ang kampanang ito ay inangkin na ng enkantada kaya sinumang magtakang kunin ito ay mamamatay.

Leave a comment