Ang madugong pagaalsa ng sakdalista sa bayan ng Cabuyao ay naganap noong Mayo 2 at 3 1935 sa harap ng munisipyo na nakatayo sa harapan ng simbahan ng San Polycarpo. Itinaas ng mga rebelde ang watawat ng sakdal sa harapan ng tribunal upang ipakita na kanila ang bayan ng Cabuyao at nag mula noon, malaya na ito mula sa tanikala ng pamahalaan ng Amerikano.
Author: april mendoza
ANG KILUSANG SAKDAL
Itinatag ni Benigno R. Ramos ang isang organisasyon noong 1931. Ito ay nagsimula bilang isang pahayagang tinatawag niyang “Sakdal” na ang ibig sabihin ay akusahan o bagay na nais nilang gawin. Una itong naisagawa noong Hunyo 1, 1930. Ang sakdalista ay nag layong mabigyan ang Pilipinas ng naganap nakasarinlan at kalayaan mula sa mga Amerikano. Sila rin ang kaunaunahan organisadong pagkilos laban sa pananatili ng ng mga base militar ng Amerikano sa ating bansa.
PAMUMUNO AT KAPANGYARIHAN
1896 noong makarating sa Cabuyao ang balitang nag himagsik na ang mga kastila sa karatig lalawigan ng Cavite. Ang himagsikang ito ay pinamunuan ng mga heneral na si Emilio Aguinaldo at Mariano Trias.
ANG ALAMAT NG KAMPANANG GINTO
Ang simbahan raw ng Cabuyao noon ay may pag-aari ng kampanang yari sa ginto. Dahil sa lakas ng tunog nito, sa halip na maging panghalina sa tao ay kabaliktaran ang nangyayari. Ang kampanang ito ay naging sagisag ng pagtutol ng mga tao sa paghahari ng kastila sa ating bayan. Sa sobrang lakas ng tunog nito umabot hanggang San Pedro sa may hilaga at bae sa timog. Ayon sakwento noong araw nakikita pa ang kampana mula sa kinalalagyan nito lalo na kung tag-init o kabilugan ng buwan. Maraming kalalakihang na ang nagtangkang iahon ito muli subalit sila ay nasawi lahat. Ayon sa mga matatanda, ang kampanang ito ay inangkin na ng enkantada kaya sinumang magtakang kunin ito ay mamamatay.
ANG SULIRANIN SA KAPAYAPAAN
Kahit mayroong mga gwardia sibil na gumagala, maraming tala nanagsasaad na ang cabuyao nakaranas din ng kaguluhan taong 1866 muling sumalakay sa bayan ng pangkat ni Agucil Sebio at pagnakawan ang tahanan ng mga prinsipalia. Pansamantalang nakahinga ang mga taga Cabuyao dahil nag wakas narin ang pananakot niAgucil. Subalit noong 1885, ginambala na naman sila ng balitang ginilitan ng leeg ang kanilang alcalde na si Agustin Algabre ng nakaaway Martin Almonte. Hindi nag tagal nakulong din si Almonte at itinuring na himala ng mga mamamayang na nabuhay pa siya.
SA ILALIM NG KAMPANA
Ang bagong poblasyon ng Cabuyao ay inakma ng kastila bilang kolonyal. Kapag lipas ng panahon ito ay tinawag na “Plaza Complex”. Nakapaligid dito ang simbahan ng Cabuyao na pinaka matingkad na strakturang pisikal na pinagmamalaki sa lahat. Maraming pagbabago ang naganap ditto, una rito ang pagtawag ng baryo imbis nabarangay, ang pinuno ay sinumulan narin tawagin ng cabeza imbes na gat gaya ng dati, ipinakilala rin ng mga kastila ang mga bagong halaman na galing sa Nueva Espana o Mexico. Ipinatupad din sa bayang ito ang sistemang sa pilitang paggawa. Ang kalalakihang 14 hanggang 60 taong gulang ay sapilitang naglalaan ng 40 sa bawat taon upang tugunan ang mga pangangailangan ng pamahalaan.
ANG PAGBABAGONG BIHIS NG CABUYAO
Madalas na nagkakaroon ng pagbaha noon sa unang pamayanan na itinayo ng mga kastila. Nag pasiya sila nalisanin na lamang ito at mag tayo ng bagong kabisera ng Cabuyao. Nakita nila ito sa dakong kanluran ng Marinig at itinayo ang bagong kabisera ng bayan hanggang sa kasalukuyan. Sa pagtatayo ng isang pamayanan na may kaayusan na kolonyal ang nais gawin ng kastila, ay gawing kastila rin ang mga katutubo sa isipan, paniniwala at kalooban
ANG EPEKTO NG PAGKAALIS NG MGA NAYON
Dahil nawala ang tatlong nayon sa bayan ng Cabuyao, unti-unting nawala ang sigla nito. Lubha itong nakaapekto sa mga taga-Cabuyao at mga bayan ng Calamba at Binan ang nakinabang sa kawalan ng Cabuyao. Ang mga pangunahing pangangailangan din ng mga taga-Cabuyao ay kinukuha pa nila sa Calamba at Binan, sumbalit ng mga panahong iyon hindi pa ayos ang mga kalsada at marami pang magnanakaw na naglalakbay. Pinalinis at pinapatag ng kapitan upang magawa ang kalsada ng mga taga Cabuyao patungong Calamba. Natapos ito at binuksan noong 1852. Noong 1853 naman ay nagawa ang tulay ng pasong bayan nanaguugnay sa Sta.Rosa at Binan.
ANG SUMPA
Ang mga taga cabuyao raw ay mahilig sa alamat o kwentong bayan. Noong panahon ng kastila ng dalawin ng Papal Nuncio ang cabuyao upang bisitahin ang bagong tayo ng simbahan sa may nayon ng marinig. Mahalagang ipaalala sa panahong ito ng ating kasaysayan, lahat ng sinaunang bayan ay umusbong sa lupang malapit sa katubigan. Ilan ang araw pagkalisan Nuncio, nagkaroon ng malakas na lindol at nag hiwalay ang mga lupa. Sabi ng matatanda, ang ilog nanaghiwalay sa Cabuyao at sa Sta.Rosa, Cabuyao at Calamba ay maaaring pagdikitin ng lapat. Patunay ito nanoong unang panahon, tunay na magkakadikit ang mga bayan na ito.
KARAGDAGANG ULAT
Mayroong naniniwala na si Polycarpo na ilan sa sinasabi sa kaniyang akda ay sinulat ni San Pablo. Ang mga liham ay maaring akda ni Polycarpo sapagkat maraming salita rito ang hindi pa ginagamit noong panahon pa ni San Pablo. Sa makatuwid walang dahilan upang kilalanin si San Pablo na siya ang may akda. Marapat napakinggan ng mga nakakatandang pinuno ng simbahan ang boses ng kabataan na mas higit ang bilang. Ito ang kaniyang tugon sa nangyayari noong pagkakawatak-watak ng simbahan bunga ng abusadong mga pinuno. Maaalalang ang simbahan ay mistulang kaharian kungsaan ang namumuno rito ay may kapangyarihan tulad isang prinsipe.