ANG EPEKTO NG PAGKAALIS NG MGA NAYON

Dahil nawala ang tatlong nayon sa bayan ng Cabuyao, unti-unting nawala ang sigla nito. Lubha itong nakaapekto sa mga taga-Cabuyao at mga bayan ng Calamba at Binan ang nakinabang sa kawalan ng Cabuyao. Ang mga pangunahing pangangailangan din ng mga taga-Cabuyao ay kinukuha pa nila sa Calamba at Binan, sumbalit ng mga panahong iyon hindi pa ayos ang mga kalsada at marami pang magnanakaw na naglalakbay. Pinalinis at pinapatag ng kapitan upang magawa ang kalsada ng mga taga Cabuyao patungong Calamba. Natapos ito at binuksan noong 1852. Noong 1853 naman ay nagawa ang tulay ng pasong bayan nanaguugnay sa Sta.Rosa at Binan.

Leave a comment