Ang patron ng bayan ng Cabuyao ay si San Polycarpo na isinalang at nabuhay noong ikalawang siglo. Noong huling yugto sa kaniyang buhay ay naglakbay siya patungo sa Roma upang makapanayam ang Santo Papa. Hindi naging magkapareho ang kanilang paniniwala at kaugalian subalit nagkasundo rin sila sa bandang huli upang igalang ang kani-kanilang mga kaugalian. Upang ipakita ng Santo Papa kay Polycarpo ay binigyang-daan nito ang huli ng magdiwang ng Banal na Misa sa kanyang kapilya sa Roma.
Author: april mendoza
PADRE BLAS DE STA.ROSA
Dalawang purong Pilipinong pari ang inordirahan, isa rito ay si Blas De Sta. Rosa na tinatawag ngayong kauna-unahang Pilipinong Pastor. Siya ay ang kauna-unahang Pilipino na naging pastor sa simbahan hindi lamang sa Maynila kundi sa buong bansa. Noong taong 1733 nang bawian siya ng buhay, hindi niya nakitang natapos ang kanyang simbahang ipinatayo at nag-iwan siya ng pamana sa halagang 998 reales na gagamitin para sa pangangailangan ng simbahan.
MINSANG MAY ISANG RAJA
Ayon raw sa matatanda, ang sinaunang pangalan ng Cabuyao ay Tabuko na hango sa pangalan ng pinuno ng Laguna na si Gat Tabok. Malawak ang lupaing nasasakupan ng Tabuko, ang bayang ito ay binubuo ng mga bayan na kasalukuyang San Pedro at Binan.
ANG PUNO NG KABUYAW
Ang punong ito ay mayroong maraming paggagamitan ng balat kapag nilaga na maaaring gawing halamang gamot na lunas sa sakit ng ulo at pagkahilo. Mabisa rin itong pampapurga at nakakapagpalabas ng bulate sa tiyan. Ang dahon naman ay ginagamit sa buhok bilang gugo at ang bunga naman ay gamit sa paglalaba pang-alis ng mantsa at pampaputi ng mga damit.
KASAYSAYANG BAYAN
Nakaugalian na ng ating bansa na resolbahin ang mga kakulangan sa pamamagitan ng mga kwentong bayan. Kadalasan ito ay pinagmumulan ng pangalan ng isang bayan at umiikot lamang sadalawang uri ng tauhan. Ang kwentong bayan ng mga taga-Cabuyao ay tungkol sa pinagmulan ng pangalan ng Cabuyao na ito daw ay hango sa salitang “Kabuyaw” na isang uri ng citrus na sagana noong araw.
PAGKAIN
Ang mga pagkain ng mga sinaunang Pilipino ay nakadepende sa kanilang paligid na tubig, lupa at hangin. Ayon kina Manuel Buzeta at Felipe Bravo, “Sa sobrang yaman ng tubig ng bansang ito, karaniwan na sa mga indio na magsaing muna ng kanin saka tumungo sa ilog upang mangisda. Tiyak naman na sa sandaling panahon ay makahuhuli sila ng isang pang-ulam sa kanyang pamilya”
SISTEMA NG PAGSULAT
Ang sinaunang sistema ng pagsulat ay tinatawag nilang baybayin. Binubuo ito ng 14 na katinig at 3 patinig at may pangkalahatang panuto ng “kung ano ang pagkabigkas, ganun din ang pagsulat”. Sa Lumban, Laguna naman ay mayroong natuklasan ang mga taga National Museum na isang legal na dokumento at nakasulat sa isang tanso (Laguna Copper-Plate Inscription). Mayroon itong 10 linya na ang nilalaman ay patungkol sa pinagkakautangan at may nakasulat na petsang 900 M.K sa kalendaryo ng Saka.
PANINIWALA SA KABILANG BUHAY
Ang paniniwalang ito ay mapapatunayan sa mga kagamitang isinasama sa libingan ng mga pumanaw dahil kadalasan ay kasama ng mga labi ng namatay ang mga kagamitang pambahay maging mga damit, palamuti at paboritong gamit ng mga ito. Bagama’t magkakaiba ng pananaw sakabilang buhay, nagkakaisa ang mga sinaunang Pilipino na ang kaluluwang pumanaw ay naglalakbay sa karagatan. Ito ay makikita saManunggul Jar na ang takip ay nagpapakita ng dalawang tao na nakasakay sa bangka.
SINAUNANG RELIHIYON
Ayon kay Teodoro Agoncillo, ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala na sa konsepto ng mga kaluluwa. Mayroon silang pangunahing Diyos nattinatawag nilang Bathalang Maykapal. Hanggang sa ngayon, ang konseptong ito ay likas parin sa mga Pilipino at nagpapakita na hindi parin nawawala ang Bathala sa ating kamalayan. Dahil salikas na “relihiyoso” ang mga katutubong Pilipino, hindi nahirapan ang mga kastila na hikayatin ang mga ito na tanggapin ang kanilang inaalok na bagong sistema ng pananampalataya.
TIRAHAN
Ang mga sinaunang Pilipino ay nakatira lamang sabahay kubo. Ito ay karaniwang yari sa kawayan upang madaling pasukin ng hangin lalo na kung panahon ng tag-init. Mayroong apat na poste na dahilan upang umangat sila sa lupa at makaiwas sa mababangis na hayop. Ang silong naman ay nagsisilbing kulungan para sa mga alagang hayop.