Ang happy ko HAHAHA kase pumayag si sir na makisabay nalang ako sa mga classmate ko na naka assign din sa binigay sakin. Gagawa kami ng spreadsheet sa nakuha naming survey. Spreadsheet is the data you gathered that can be arranged in columns and rows in a grid. It can be used as graphical presentations and calculations. So nakakatulong sya sa nakuha mong data para ma- analyze at ma observe mabuti.
TUESDAY VACANT
Vacant ako every tuesday. So kanina naalala ko yung next activity na pinapagawa ni sir na survey. Jan pa naman ako mahina kase nahihiya ako huhu. So nalaman ko ako lang pala mag isa magpapa survey sa 12 HE1 nakakahiya. Nagtanong ako sa mga classmates ko sa ABM kung may kapartner sila they said yes naman kaya bukas ipapaki usap ko kay Sir na kung pwede sumama nalng ako dun sa mga classmate ko na nagpa survey dun sa Grade 12. Sir I hope na maintindihan nyo po na ngayon ko lang napost lahat ng blog ko kase nawalan po kami ng internet at nahirapan ako lumabas para lang mag internet cafe. Gumagawa naman po ako ng draft ngayon ko lang po talaga naipost pasensya na po sir.
ACTIVITY NOTES
Monday na ulit. Nagpagawa si sir ng activity kung saan mag susulat kami ng notes about dun sa specialized subject ng bawat strand. So ako nag isip ako nun saan ako kukuha ng notes e lahat ng luma kong notes nasa bahay. Nagbackread ako sa GC ng dati kong school sa section namin, nakita ko yung file sa Organization and Management kaya ayun God is good lagi nya akong tinutulungan kapag hindi ko alam ginagawa ko. Di naman ako masyado nahirapan kase mag ttype lang naman ang kaso lang may problema kase ako sa eye sight kaya medyo mabagal ako since ang kinukuhanan kong information ay nasa phone ko lang. Natapos yung one hour na subject and yun nakapag pasa naman ako.
WEEKEND PRT 2
Linggo. Nag decide si mama na magset ng biglaang swimming malapit dto samin kaya ayun yung mga cousins ko tuwang tuwa kase bihira lang kami makapag swimming ng buo kami. Yung resort may daan sa likod kase may dagat dun ayun dere deretcho kami hindi na nagbayad ng entrance HAHAHAHA ang bad. Pero nung tinanong ko nman si mama binayaran daw syempre kase nakita kami haha. Habang nageenjoy kami sa pag sswimming biglang sumigaw yung auntie ko at pumunta sa pool. Sinabi samin habang may kausap sa phone na namatay daw yung mother ng asawa nya, so ayun yung pag eenjoy namin bigla kaming umahon lahat at nagsitahimik. Nagmamadali kaming nagbihis at sumakay na sa kotse para umuwi dahil sa nangyari.
WEEKEND
So ayun sir sana maintindihan mo na konti yung entries ko kase late nako pumasok and kelan ko lang din nalaman na may ganito palang gagawin. This saturday, pupunta kami ng Batangas kase 50th birthday ng uncle ko. So I hope you understand sir kung sakaling di ako makapag update ng blog ko for tomorrow. Ngayong araw na to puno lang ako ng hapiness kase family and relatives ko ang kasama ko medyo matagal na din kase kami hindi nakakauwi sa province namin. Nag handa sila ng konti pero andaming bisita HAHAHAH hindi ko nga alam kung paano nagkasya yung handa sa kanila. Nag rent din ng videoke para may libangan yung ibang bisita. Yung mga aunties and uncle ko naman pinapakanta ako kase sanay sila na laging naririnig yung boses ko haha so ayun bonding lang with them nothing else.
THE DAY I STARTED WITH OTHER SECTION
So ayun kasama ko na yung mga stem students and ang friendly nila huh infairness nakakatuwa sila haha. May pinapagawa ulit na activity, akala ko bago yun pala late sila. Ngayon pa lang nila gagawin yung nagawa na namin kaya ako ayun tamang tambay lang HAHAHAHA pero nag submitt naman ako ng ginawa ko then si sor sinabihan na din ako na lumipat na ng google classroom sa stem.
WITH STEM STUDENTS
So binigyan ako ng sarili kong schedule since nga irregular student ako for this semester. Ang kasama ko na sa class ko in this subject ay yung mga grade 11 stem students. So wala pa naman ako schedule sa etech that day kaya sit inn muna ako sa mga classmates ko na ABM. Hindi ko na alam ilalagay ko dto kase wala naman masyadong nangyayari sa maghapon ko, pagkatapos ng school bahay agad. Cycle lang ganon HAHAHAHA
ACTIVITY ABOUT BUSINESS VENTURE PRT 2.
So the day after nung ipagawa samin yun. May isang activity pa kami nagagawin kung saan yung lahat ng business information na nakuha namin ay irerevise at bibigyan namin ng sarili naming interpretation. Dun na talaga ako totally nahirapan kase bawal na ang copy paste kase kahit naman hindi ka sumunod dun sa bawal na yun merong scanner si sir kung saan madedetect nya kung nag copy paste o hindi. So ayun, trying hard ako gumawa ng sarili kong interpretation pero grabe ang ikli lang ng nagagawa ko HAHAHAHA yun lang talaga yung kaya atleast nakagawa ako diba.
ACTIVITY ABOUT BUSINESS HERE IN THE PHILIPPINES
As a new student ng pulo, sobrang naninibago pako sa system of education na meron sila kase i’m from private school since pre-elementary ako HAHAHAHA. So ayun sa computer laboratory kami and pinagawa kami ng activity kung saan mag sesearch ng mga information sa 10 successful business here in the Philippines and bawat business na yun dapat merong iba’t-ibang references. So nung unang sinabi yun, ang unang pumasok sa isip ko sobrang hirap kase saan ko kukunin yung mga yun HAHAHA and then suddenly, nakaisip ako ng technique kung saan sa mismong website ng mga business na yun ako kumuha ng mga information para rin mataas yung chance na accurate and reliable yung source ko.
DANGER

Worms is factor that can damage your computer because it make copies on a local drive and reproduce themselves again and again. When it replicates, it takes a lot of space in the hard drives that made the pc too slow. Another factor that can also harm is the most common that we had encounter, the viruses. This might corrupt or delete data on your computer. Virus is more dangerous than a computer worm as it makes changes or deletes your files while worms only replicates itself with out making changes to your files/data. Trojan can also damage your computer because it looks like an application, they do not replicate themselves but they only destruct.
So before you download anything from internet be sure about it first. Almost all viruses are attached to a file, which means the virus may exist on your computer but it actually cannot infect your computer unless you run or open the malicious program. It is important to note that virus cannot be spread without a human action, such as running an infected program to keep it going.